12/07/2005

Bulag Na Hustisya, Binilog Ang Masa
By Khadijah Bint Alimudin Posted March 31, 2005

Bumabagabag sa aking isipan,
Ba’t patuloy na pinapahirapan?
Mga kapatid kong Muslim sa Pilipinas,
Matinding dalamhati ang dinaranas;

Abu Sayaf! Kriminal! Terorista!
Maling paratang lagi sa kanila,
Mga taong mangmang sa Islam,
Pag-isipang mabuti bago kayo'y masuklam.

Di ba’t iilang armas at bala lang ang nasa pihitan?
Di ba’t inosente sa kanila’y karamihan?
Hindi na nga matapos-tapos ang paglilitis,
Sa kulungan ay pawang insektong tinitiris;

Sinong makakapagsabi ng totoo?
AFP, politiko, pati media ay tuta ng gobyerno!
Aba’y niloloko nyo ang taong bayan,
Pabor lahat sa iyno ang ebidensyang pinapatunayan.

Anong klaseng batas meron tayo?
Boses ng mga Muslim, binabalewala nyo!
Utak ng karamiha'y laging nilalason,
Bombang sumasabog, dulot daw ng Mindanaon?

Anong kabutihan meron ang patayan?
Mission accomplished!
Yan ang inyong batayan,
Dakilang tanga at mapaglinlang!
Di ko mawari ilang beses, di na lubos mabilang!

May kridibilidad pa ba si DILG Reyes?
Militar sugapa sa korapsyon!
di ba ayon sa grupo ni Trillanes?
Sa halip na imbestigahan ito ni Gloria,
Pinarangalan ang mga gago, at promoted pa!

Parouk Hussein na ARMM gobernor,
Ano pong nagawa nyo bilang negosyador?
Kayo’y sadyang di pinagbigyan,
Opinyon ninyo ay di pinakinggan.

Tagapagbalita, nasaan na kayo?
Ba’t laman ng estorya ay puro sundalo?
Wala na bang magandang ihahatid?
Sa biktima ng massacre na aming mga kapatid?

Kay hirap mong gisingin,
nagtutulog-tulugan!
O bigyang liwanag ang nagbubulag-bulagan!
Sa mga nagbibingi-bingihan diyan!
Basta’t may GOVERNMENT POSISYON ay ayos lang!

Materyal na bagay sa mundo ay dapat ibasura!
Pagtuunang pansin, paghandaan ang akhira!
Huwag maghiwa-hiwalay!
Yan ay bitag ng mga kaaway!

Huwag hayaang abusuhin at tugisin!
Ang mga pumanaw na ay mga kapatid mo rin!
Pandaigdigang kontra-terorismo!
Pakana ng pwersang Yahudi’t Amerikano!

Magpapaalipin ka pa ba sa mga kaaway?
Magpapahaba ka rin ba ng sungay?
Huwag ipagkanulo kapatid mong Muslim,
Pag-aralan ang tungkulin, magdasal ng taimtim;

Hangga’t tayo’y salat nitong kaalaman,
Di magiging bagkus, tunay na pinaninindigan;
Tungkulin sa ALLAH (SWT) ay dapat maintindihan,
Ipagbawal ang masama, ipalaganap ang kabutihan.
-
This poem is dedicated to the 22 martyred Muslims in Camp Bagong Diwa. You can e-mail the writer at sakinah2304@yahoo.com.

Source: http://www.bangsamoro.com/lit/pm_033105_b.php

0 Comments:

Post a Comment

<< Home