12/07/2005
Pera
by Abul Khair bin Abdul Hamid
Posted Jan. 27, 2004
Pera kung tawagin ay Yaman.
Ito'y hinahanap kahit saan,
Minsa'y naipagpalit ang Katarungan,
Pati kalayaan ng bawat mamamayan.
Sa katunayan yan ang kapalit ng Bayang ipinangako,
Kung saan Moro ay binenta ng Kastila sa Kano,
Kasama ang Relihiyon, Gobyerno at estado ng Moro.
Kaya sa ngayon, Moro sa bayan naging estranghero.
May pinunong Moro ngayo'y mabibili na.
Salingsing ng pera'y kapalit ng tunog ng bomba.
Sa maliit na halaga Jihad ay itinigil na.
Bigyan mo lang ng ilang libo, siya'y susuko na.
Prinsipyong ipinaglalaban ay nawala na,
Maging ang pagod at hirap ay binalewala,
Dahil siya raw sa hirap ay magpapahinga,
Kaya't siya'y sumuko dahil yan ang akala niya.
Subalit yan nga ba ang totoo?
O kaya’y kayo ay kanilang naloko.
Na parang batang nabigyan ng puto.
Tinanggap naman ito at nagtaas noo.
Kaibigan at mga kapatid,
gintong isipan mo'y palawakin,
Layunin sa kalawakan ay habulin ng tingin,
Upang sa ganoon makamtan mo ang iyong mithiin,
At mula ngayon, problemang Moro ay iyong harapin.
Source: http://www.bangsamoro.com/lit/pm_012704_d.php

0 Comments:
Post a Comment
<< Home